Bakit Binansagang Lupaing Pangako Ang Mindanao?
Bakit binansagang lupaing pangako ang mindanao?
Answer:
Mindanao-- isa sa tatlong malalaking isla ng Pilipinas. May tatlong1 karaniwang pagsasalarawan sa Mindanao na nakatatak sa isipan ng mga tao, lalo na sa mga taga-Luzon. Ang una ay, ito ang "lupain ng pangako". Ito ang lugar kung saan ang mga pangarap ng mga mahihirap ay magkakaroon ng katuparan. Ang mga dahilan sa pagpunta sa Mindanao noong araw, ay halos katulad rin sa mga dahilan ng mga kababayan nating nagtatrabaho ngayon sa ibang bansa. Ito ay upang magkaroon ng mas maginhawa at magandang buhay.
Ang gobyerno ay may mahalagang papel na ginampanan kung bakit nabuo sa isipan ng mga tao ang ganitong ideya. Pinamamalita na sa Mindanao, maraming lupang pwedeng sakahin. Ang mga lupaing ito raw ay matataba at makapagbibigay ng malaking ani ng mga pananim. Madali rin lang daw ang proseso para magkaroon ng kaukulang papeles upang ligal na magiging kanila na ang lupa. Marami rin daw ang mga mineral na deposito sa mga kabundukan. Ang mga ito ay pwedeng minahin upang maibenta at ng magkapera. Ilan sa mga mineral na ito ay ang ginto at ore. Ang mga kagubatan ng Mindanao ay masagana rin sa mga likas na kayaman. Ang mga halaman at hayop ay pwedeng maibenta sa matataas na halaga. Mayaman ang kagubatan sa punong pwedeng gawing tabla at mga kasangkapan sa paggawa ng mga bahay, gusali at importante rin sa ibat-ibang bahaging at klase ng industriya sa loob at labas ng bansa. Ang mga katubigan ay masagana rin sa yamang-dagat. Samakatuwid, ang pagsasalarawan ng Mindanao ay parang isang paraiso. Isang lugar kung saan halos imposibleng makaranas ng kagutuman.
Ang pangalawang karaniwan na pagsasalarawan ng Mindanao ay bilang isang napakagulong lugar. Naalala ko (DDI) noong una akong pumasok sa klase ko at tinanong ako ng kaklase ko kung saan ako galing. Sabi ko, "taga-Kidapawan, Cotabato ako." Ang sabi
niya, "hindi ba sa Mindanao yun?" Sabi ko, "Oo". Tumawa siya. Sabay sabing, "Buti naman buhay ka pa." Itong reaksyon niya ay batay sa mga balitang nakakarating dito sa Maynila patungkol sa Mindanao. Kapag may gulo doon, tiyak makakaabot ang balita dito. Bihira lang naman napapabalita ang mga magagandang bagay doon noong araw. Sa ngayon ay nariyan ang mga balita tulad ng "Kadayawan Festival" sa Davao at ang "Fruit Festival (Indakan sa Kadalanan)" sa Kidapawan.
Crdts
Comments
Post a Comment